Friday 21 August 2009

Stranger Love


I wrote your name in the sand,
But the waves washed it away
I wrote your name in my heart,
And forever never fade.

When I first talked to you
I was afraid to like you,
When I first liked you
I was afraid to love you,
Now that I love you
I am afraid to lose you

If you love me as I love you,
Nothing but death can part us two
Close together or far apart
You’re forever in my heart.

I love you not because I need you.
But I need you because I love you

You’re my heaven and
Mysterious moon light
You’re the melody that strokes my heart
And makes everything feels right

You’re the stranger love of my life
You’ll be my rose, my melody, my moonlight
My heaven and my greatest delight
Upon dreams of you are my passions

You’re the stranger love that I dreams
A dream that it’s hard to wake up
A dreams that no more tomorrow
A dream of love wills it certainty.

Sunday 5 July 2009

BAKA SAKALI(2)

Connecting flight to hongkong.

Habang nasa loob ako ng eroplano balik balik kong binasa ang ticket at visa… wala talaga nakalagay na company at biglang may narinig ako sa isang piloto na papunta ng hongkong ang eroplano. Aba! Kinakabahan ako bakit hongkong? Buti nalang may babae sa harap ng upuan nag tanong ako “Miss saan punta mo?” sabi niya Dubai. Pinatingin ko ang ticket ko sa kanya sabi niya pareha tayo connecting flight baba tayo sa hongkong at sasakay ulit ng eroplano papuntang dubai at baguhan daw din siya.

Medyo napanatag ang loob ko at may kasama na ako inisip ko parin bahala na at positive parin ako...

Paglapag sa may hongkong airport sabi ng babae sa akin sunod lang tayo kay manong papunta siya ng quatar kasi ang eroplano sasakyan natin mag stop over ng Bharain dun siya baba… ahay! nadagdagan na naman ang lakas ng loob ko.

Habang sunod ng sunod ako sa kanila hindi ko na alam baba ng skeletor tapos aakyat na naman…ang haba ng nilakad namin mas lalo na ako nalilito at ang daming tao klase klaseng dayuhan…basta sunod lang ako sa kanila hangang nakasakay ulit kami ng eroplano papunta na ng dubai.

Nasa loob na ako ng eroplano aba mga sinkit ang mata ng mga flight stewardess iniisip ko di ako marunong mag “Chinese o hongkish o japanish” nagugutom ako at nauuhaw. Habang naka upo na ako Maya maya may naglibot na para mag bigay ng pagkain. Iba ang mga pagkain "no Choice! " kain nalang ako para mabusog.

Mayamaya tapos kumain aba may dala isang flight stewardes na mga wine na nakalagay lang sa Cart… she offer me “sir u want some drinks” sabi ko “yes” imported to maka inom nga at aba nasarapan ako.. sabi ko ulit “Can u give me some more” na pa spoken dollar tuloy ako.

Nag stop over na kami sa bharain at umalis na si manong at tuloy ang biyahe namin papunta ng dubai

Paglapag sa dubai airport sunod lang ako sa babae kasi sunduin daw siya ng auntie nya at naki daloy lang kami sa mga kasama naming pasahero… ibang klase na naman nakikita ko mga dayuhan halos karamihan naka takip ang mukha yong mga lalake mahaba ang palda… tuloy lang ako wala akong pakialam chini check muna ang passport at visa namin…. Akyat at baba parin kami sa skeletor ahay! buhay wala talagang alam basta sunod lang ako ng sunod sa mga kasama kung pasahero.

Nasa exit na kami ng airport I’m sure sa baba na yon kasi may nakita na akong over pass ng mga sasakyan at mga taxi. Yong iba nakikita ko may mga sundo na sila at yong babae ko kasama nasundo na rin ng auntie niya… inisip ko sino kaya magsundo sa akin bakit wala akong nakitang pangalan ko na binandera sa labas kagaya ng "Welcome Ritchie".


Mamaya maya may nakasalubong ako isang lalake… Matankad at Matipuno ang katawan at gwapo “ May dala siyang plakard na ang PICTURE na nakita nyong logo” sabi nya “PPI” paulit ulit na sinabi. Inignor ko lang siya kasi di ko talaga alam ano company ako at di ko kilala sino mag sundo sa akin pumunta ako sa gilid ng pinto naghinhintay sino kumalabit sa akin at wala parin.

Dalawang oras na nakalipas wala parin at naalala ko tatawagan ko siya di ko rin alam paano tumawag at saan ako tatawag. Pumasok ako ulit sa loob may nakita akong isang casher na babae sabi ko “Miss are you Filipina?” sabi niya “obvious ba” Filipina nga! nagtagalog ehh! Tinanong ko siya magkano ba pag bumili ng card kasi P300 pesos pera ko kasya kaya… di daw kasya kasi palitan pa ng derhams… di ko rin alam ano ang derhams?. Sabi nya hanap ka dyan na pinoy na may celpon makisuyo ka…

Ngayon naghanap ako at may nakita akong lalake na pilipino may celpon siya malapit sa may pintuan. Sabi ko “pre pakitawag naman nito number kanina pa ako nag hihintay” baguhan kasi ako wala pa akong alam. Inabot ko ang maliit na papel at tinawagan niya at sabi niya “ Pre may naghihintay sa iyo dito sa airport kanina pa naghintay” ngayon binigay sa akin ang celpon kinausap ko ang nag sundo sa akin sabi niya sa akin “saan kaba? Kanina pa ako naghintay sa iyo ano ba damit mo?" Sabi ko andito lang ako sa loob malapit sa may counter nakadamit orange ako!. Sabi niya ulit "ok hintay ka lang jan puntahan kita…. "

Ngayon binaba ko ang celpon at binigay ko kay parekoy “salamat parekoy puntahan daw ako dito” , lumakas ang aking pakiramdam at napanatag ang aking loob. May pumasok na lalake ehhh yon ang nakita ko na matipuno at gwapo na may picture na logo sa company namin at tinawag ako sabi niya “ikaw pa pala ang sinundo ko di mo ba alam company mo? hanaphanap ako ikaw lang pala” sabi ko pasensiya na di sinabi sa akin ng agent ko. Napatawa ako na Masaya na at last nasa mabuti na ako.

Parang nabunutan ako ng tinik sa mga oras na yon at lalong lumalakas at napanatag ang aking loob, sa baka sakali kong karanasan at sa ngayon andito na ako sa mundo ng irak at nagamit ko rin ang aking pinag-aralan bilang isang computer science.

The end.




5July2009 ching

Saturday 4 July 2009

BAKA SAKALI

Isang simpleng tao naghahangad ng pangarap at nag bakasakali kong may patutunguhan ang kanyang paglalakbay sa mundo ng pagiging OFW.

Ito ang aking kwento sa pakikipagsapalaran.

Noong year 2006 my uncle called me na may aplayan sa Irak hindi ako nagdalawang isip at nagpasa sa kanya ng mga requirements since isa rin siyang Agent sa agency na inaaplayan ko sa Cebu…

September 22, 2006.

May tumawag sa akin isang agent pero hindi ang uncle ko na meron na daw akong ticket at visa papuntang dubai at ang flight ko is September 23 2006 at 1 pm. Since I am residing in leyte kailangan ako makaalis in that evening para makapunta ng cebu. Rush na rush talaga ang time na yon and my pocket money is only P4000+ pesos. I decided na umalis at swempre may mga luhang iniwan na di ko mapigilan at ang lakas ng loob at tiwala sa aking sarili na baka ito na ang pagkakataon makaahon sa kahirapan.

September 23, 2006.

Dumating ako sa cebu at pinuntahan ko ang aking agent sa address na kanyang binigay, In that morning I’ve text my uncle na nasa mambaling ako kasama ko ang agent at buti naman pumunta ang uncle ko at napanatag ang loob kahit konti. Bago ako umalis papuntang airport binigyan ko ang uncle ng P2500 at pati na ang celpon (3315) ko dahil daw di ko na magamit sa Irak at ang company ang mag provide sa mga expenses.

Nag taxi na kami papuntang airport at kasama ko ang agent ko at beni briefing ako pag may mag tanong sa akin saan ako pupunta dun sa tiyahin ko sa dubai at ipakita ko lang ang visa atsaka ticket. Bilang pasasalamat nagbigay ako ng P1000 sa agent ko at nag bayad pa ako sa taxi P200 instead of P140+ dahil wala daw barya so keep the change nalang, I got P300+ money on my pocket, inisip ko kaya pa kaya ito sa isip ko bahala na.

Habang nasa loob ng eroplano nag isip ako “Totoo na at nakasakay na ako ng eroplano” na napanood ko sa tv at movie. Pinagmasdan ko lang ang mga galaw ng mga pasahero kunwari di ako baguhan.
kalungkotan at kaba ang aking naramdaman na lisanin ko ang lupang tinubuan at ang aking mga mahal sa buhay. Nag iisa kong tahakin ang bakasakali kong patutunguhan, Hindi ko alam anong kompanya ang aking pupuntahan at ano ang kapalaran ang maging trabaho basta ang pinanghahawakan ang isang maliit na papel na binigay ng agent ko na may pangalan at celpon number na magsundo sa akin sa dubai at ang ticket atsaka Visa. Wala talaga akong alam basta ang inisip ko na makapunta lang ng dubai.


To be continue after 24 hrs….

4July2009 Ching

Tuesday 30 June 2009

SUKAT NG BUHAY

"Bawat buhay may pangarap at bawat pangarap may sakripisyo"



Sukat ng buhay

Bawat patak ng pawis napunasan ng pangarap
Sikat ng araw tinitiis
Lamig ng gabi binaliwala

Naglalakad kasama ang anino
Anino’ng puno ng pangarap
Tatahakin bako-bakong daan na walang takot

Lalakarin ang haba ng daan
kahit ang pagod nakaabang
Titiisin na walang labis

Madapa at bumangon muli
Nagsimula para lumaban
Makamit lamang patungo sa tagumpay.



ching 30June2009

Saturday 27 June 2009

BAWAL NA GAMOT

"Paano mo talikuran ang bawal na pag-ibig kong pilit mong damhin ang matatamis na halik???"








ching27Jun2009

Monday 22 June 2009

LIFE FOR REAL

"Ang buhay ay buhay nanatiling umiikot na may mga katanungan"


Habang tinitigan ko ang umiikot na ???? Biglang pumasok sa isip ko na ang BUHAY ng tao ay isang question mark na umiikot… Habang umiikot yan may mga katanungan sa buhay na hindi natin alam. Kung biglang huminto yan sigurado “dido” hehehe sana huwag muna ngayon at kong huminto na talaga.

Alam mo na ang nasa isip mo? Pero di mo parin alam saan ka pupunta sa heaven ba? O sa hell? Kaya minsan tayong tao lagi nakahanda?

Titigan nyo ng maayos at magtanong sa sarili? Ikaw na ang makasagot kong handa kana? Ang mga malalawak na utaks wala na ako masabi basta para sa akin ang buhay ng tao ay nanatiling isang mysteryosong question mark.


Ching23Jun2009

Saturday 20 June 2009

TATAY AKO "OFW"

"Bowwwwwwwwwwwwww!"

Isang libong milya tinawid upang magbuwis ng dugo at pawis
Tuktok ng Mt. Everest ay kayang tatawirin
At ang dagat ng China Sea ay kayang languyin

Tinitiis ang homsik sa bawat segundo, minuto, oras, at araw na lumilipas.
Ilang mahabang taon nawalay sa tabi ng mga mahal sa buhay
Ilang mahabang taon pagkakulong sa mga dayuhang banyaga...
at Ang bawat bulong ng kaba ay laging di mawawala
Nag iisip lagi sa pamilyang na iwan sa lupang pinangalingan.

Nagtitiis at nag sakripisyo para sa kinabukasan
Nagtitiis para sa katamisan ng buhay
Nagtitiis at para makamit ang hangarin sa buhay

Dakilang Tatay aking ipinagmalaki
Dakilang Papa isa kang magiting
Dakilang Ama bayani ka sa iyong pamilya.

ako at ikaw ay iisang dakilang TATAY.


Happy father’s day to me offcurs to my beloved father! wer in heaven…. and to OFW na papa “God bless”.
Swempre sa mga tatay at papa sa pinas “HAPPY FATHER’S DAY”


Ching 20Jun2009

Thursday 18 June 2009

MASKARA

"Husgahan mo ang iyong sarili kung nakatakip sa isang maskara???"

Tamis ng pag-ibig nakatago sa isang maskara
kagalakgalakan ng Kasayahan walang kapantay
Pagmamahal ng lubusan ay kaakit-akit

Pilit damhin ang tamis ng pag-ibig na nakagapos sa isang lubid
Ang bawat pintig ng puso kunwari'y nakasara
Ang bawat bulong ng bibig animo'y tunay
Tadhana ang pag asa'y tanging binubulong

kasinungalingan nagmulat sa iyong mga mata
Pagmamahal ng puso nabalutan ng isang maskara
Pag-ibig walang kabuluhan, walang katuturan.
Nagtitiis, nagtatago sa poot at maaliwalas na buhay

Hanggang kailan tiisin ang pusong nagnanais
Hanggang kailan yakapin ang mundong may nagbibigay saya.
Hanggang kailan ang pag asang naghihintay
hanggang sa.....
Hayaan mo ang MASKARA nakabalot sa iyong kasayahan.


ching18Jun2009

Monday 15 June 2009

$$$$$$$$$

"ikaw na ang mag-isip bakit dollar ang ti-tol at ang isang puno sa isang isla? ang inyong opinyon ay ni respeto ng may akda"

Makasarili sa mundo akala mo’y santo
Kinasuklaman mo ang bawat tao sa iyong paligid
Kaplastikan mo ang umiiral

Niyurakan mo ang iyong sarili
Taas noo mong ipinagmalaki
Gahaman ka sa lahat ng bagay

Subalit dios ang maghuhusga
Ngayon ikaw ay nag iisa
Walang kakampi sa bawat daing
Hinayaan mo ikaw ay nagiisa
ching 15Jun2009

Thursday 11 June 2009

LIHIM NG PUSO

"Ang tula ito'y for your read eye's only "


Minamasdan ko ang kagandahan umaakit sa aking pagkatao.
Minimasdan ko ang prinsesa nagdulot ng katamisan sa buhay

Ang kagandahan sumasayaw sa aking puso't isipan
Ang kagandahan pinapangarap na maging akin

Ang mukha kasing ganda ng mga mapuputing ulap sa langit
at ang mata kasing ganda ng mga bituin
Ang Mga ngiti nagbibigay liwanag sa buhay
at Ang lamig ng simoy ng hangin nagbibigay ala-ala sa matatamis mong labi

Ang mundo ko'y titigil sa tuwing ikaw ay naalala
Mga huni ng ibon di mo maririnig at ang
Mga sayaw ng kalikasan di mo napapansin

Pagmamahal Nang hindi mo alam
Pagmamahal sa sigaw ng ala-ala

Pagmamahal hanggang sa lihim ng aking puso.

(Sa tingin mo ako yan??? lols)
ching 11June2009

Tuesday 9 June 2009

UMAASA



Anino mo’y nangangarap
Naghihintay sa pagsikat ng araw

Umiikot ang utak sa kasayahan
Umiikot ang utak sa walang kabuluhan

Nag iisa, nag-iisip, nakatunganga, nababaliw.

Nangangarap na gising
Nangangarap na walang humpay

Nangagarap na walang labis
Nangangarap abutin ang langit at bituin

Hanggang saan at hanggang kailan umaasa
Hanggang sa pangarap
Hanggang sa ikaw ay nag iisa.

Sunday 7 June 2009

SABONGERO

“Ang inyong mababasa ay tungkol sa buhay ng may buhay na walang inaapakan kundi ito'y hango lamang sa totoong nangyayari sa buhay ng may akda at naniniwala ang may akda na may karapatan at ipagsabi ang may magandang intention sa kapwa blogero at sa mga mambabasa”

kinahiligan na sa ating mga Pilipino ang tinawag na “sabong o derby” a gamecock - pinaglabanlaban ang mga tandang manok o breeding na mga lalaking manok. Ang sabong o fighting cock was originated in INDIA 4500 years ago…(Nabasa ko sa gogol) Hanggang sa naging cultura narin ng iba’t ibang bansa lalo na sa pilipinas.

Isa rin ako sa mahilig sa manok o sugal sa pagsasabong, Mana-mana daw sa mga angkan ng lolo ng mga lolo namin, Isang hamak na sabungero ang Papa ko “sugarol, lasingero at di babaero” lahing dugo sa pagsasabong. Naala ko napalo pa ako nun hindi ko lang napakain at napainom ng tubig ang mga manok na pansabong. Nakita ko ang imahe ng papa ko sa tuwing madaling araw manok kaagad ang hawak, hinihimashimas at pinaliguan. Naisip ko minsan kaysarap maging manok alagang alaga at maramdaman mo ang kalinga ng isang magulang.

Pero di parin pumasok sa pag-iisip ko ang ganun bagay sa pag sasabong ang trabaho ko magpakain at magpaligo ng mga manok panabong.

Noong college na ako pumasok na sa isip ko ang pag sasabong, sumasama na ako sa papa at kapatid ko lalo na pag may fiesta fiesta sa kabilang dako. Naalala ko fiesta sa kabilang bayan nagdala kami nang apat na tandang manok para panlaban, kaawa-awang mag-ama, tsugi tsugi ang apat na manok , butas butas ang bulsa at may na iwan piso pambili ng chewing gum.

So that time I was challenge and encourage myself, gusto ko bumawi and so what I did? I purchase some CD and magazine for cockfighting, Naalala ko pa nga may isa akong idol si PATRICK ANTONIO one of the “Derby championship” and very well known sa mga big time Derby sa Pilipinas.

The exciting event…..

Nag start kami at nag breed ng mga bagong lahi na manok panabong, Nagsakripisyo kami ng kapatid ko, inaalagaan at pinawisan sa tamang training ang ginawa namin. Sabi nga nila pag may tiyaga may nilaga, Nagkalaunan di ko namalayan nag work out ang ginawa namin sakripisyo.




Dito ako bumawi.....

Naalala ko May fiesta ulit sa kabilang bayan nag dala kami ng tatlong manok panabong, di mo akalain umiindak kami sa saya panalong-panalo ang tatlo manok namin, makapal ang bulsa namin mag-ama at may libre pa pang pulutan. Masaya manalo! Masaya may humahanga! Masaya may magsabi ang galing galing ng manok mo! Grabeng Grabe pumapalo ang manok mo! At siya nga pala balato din! Yan ang mga katagang maririnig mo sa loob ng sabungan.

Dito ako naging addict….

Naalala ko kung saan may fiesta, kung saan may sabong o derby andun naka subsub ang mukha! Mukha! Mukha! Ko, ilang champion din sa derby ang nakapagpakilala sa amin, ilang talo din ang naka pag dismaya sa amin… sikat ka diba! Sikat na sikat! Hanggang saan ang kasikatan?, hanggang saan ka kilalanin?, hanggang kailan marami ang panalo at ang talo.

The worst is……
Bilang mo ang panalo at di mo bilang ang talo, ang talo ang naging anay sa sugal.

Nakita mo nalang ang iba nawasak ang pamumuhay ng dahil sa sugal, nawasak na pamilya, nagbebenta ng mga walang kwentang bagay para lang may ma e sugal, Ang mansion mong bahay naging kubo at ang mga ginto mong suot tingin nila sa iyo isa kang prinsipe ng palasyo ngayon naging mosmos ka sa lansangan. Tingin sa iyo isa kang hari ng sabungan ngayo’y isang hari kana ng selda.

Hinyaan ko ang anay ang unti-unti sumira sa aking pagkatao, unti-unti sumira sa aking pamumuhay, nagpakalolong sa walang kawalan, nag paka addict sa walang patutunguhan, nagpakabulag sa mga mata ng kadiliman, nagpakasira sa bulok na paraan.


Ayoko na at di ko na isaisahin at isalaysay ang mga nang yayari, basta ako bumangon ulit at nagsimula sa bago kung mundo kung saan ako may patutunguhan.

Nagising ako sa katotohanan , tinalikuran ko ang nakaraan na ang pagsasabong ay walang dulot na ma-ibigay sa aking magandang patutunguhan.


ching 07June2007

Thursday 4 June 2009

ANTI OFW

"Ako'y nakikiisa sa mga OFW na nagbigay sakripisyo para sa pamilya at higit sa lahat sa ating bansang pilipinas"
On Mike Avenue Pinoy Blog’s ‘Tsokolate’(INSERT YOUR BLOG NAME HERE) MANIFESTOSo that the bloggerworld and everyone may know....
We believe in the right to freedom of speech as a human right.
We believe in the freedom to hold opinions without interference by public authority and regardless of frontiers, either orally, in writing or in print, in the form of art, or through any other media of his choice.
We believe in the right to freedom of expression to receive and impart information.
We believe that blogging is an expression of one’s opinions, personal experiences, hobbies, commentaries, diaries and we further believe that every blogger has the right to publish his personal expressions and opinions.
We believe that the exercise of these freedoms is not an absolute right but carries with it duties and responsibilities, that may be subject to restrictions or penalties on specific grounds as prescribed by law and are necessary in a democratic society, in the interests and protection of the reputation or rights of others.
We believe that majority of the Overseas Filipino Workers have chosen to leave the Philippines to seek and search for better livelihood opportunities abroad so they may be able to support themselves and their families back home.

We believe that the OFW’s search for a greener pasture is not at all that easy and yet hundreds of thousands of OFWs have created names for them and have excelled in their chosen fields of endeavor, setting the world standards for nobility and for hard work.
We believe that there is nothing wrong with doing an honest day’s work as a domestic help or as construction worker or doing any other menial and blue collar jobs.
We believe that OFWs whether professionals or not should be given honor and respect.
We believe that the OFW is the Hope of the Nation, Gift to the World!

With these guiding beliefs:
We regard Mr. Mike Avenue’s Pinoy Blog post on "Tsokolate" as one that lacked research and a flagrant ignorance of the truth about Overseas Filipino workers and expatriates.
We regard this lack of truth and ignorance as especially inexcusable from one who feigns intelligence and high learning and coax people into belief and following.
We regard his statements: “minumura ng amo kapalit ng dolyar” and “humahalik sa paa ng mga dayuhan” as blatant mockeries of the sacrifices of the Overseas Filipino Workers and expatriates and are hasty generalizations of the living and working conditions of the Filipino expatriates and OFWs.
We regard his post as tactless and offensive, trying to make a lame attempt to sarcasm that failed to be funny, at the expense of the Overseas Filipino Workers.
We regard his post as a clear display of arrogance, done in a distasteful manner with blind indifference and unjust condemnation of the millions of hardworking OFWs who work long hours to earn an honest buck.
We regard his post to have overstepped the bounds of sensitivity and responsibility of a decent mind and an accountable and sensible blogger.
Therefore, we as OFW BLOGGER are not dumb to let this kind of humiliation pass just like that.
We strongly condemn this irresponsible blog post and Mike Avenue.
We consider Mike Avenue as an Anti-OFW persona.
We demand a retraction and an apology from Mike Avenue of Pinoy Blogs for this irresponsible blogpost!
We are Filipinos and we should stand together and strive for a better Philippines!

Thursday 28 May 2009

BUBUYOG SI RODEL

MR. RoDeL


(basa basa lang.... walang bayad)

Bubuyog napadpad sa gitnang silangan animo’y taong di makabasag pingan, isang henyo pinanganak sa gitna ng kalawakan. Itong bubuyog ang kabaitan di mapigilan at ikaw ay pagbigyan… (tuwad). Lahat ng bagay na pag usapan ay may alam at umiiyak kung mapapantayan.

Bubuyog Sa tropa nagbigay ng kasiyahan, tawanan di mapigilan at minsan nagbigay ng kaasaran, bubuyog ang utak lagi umiikot naghahanap sino ang ma pagtripan, kahit bakla’y hinahawakan, hinimashimas at pinagnasaan.

Bubuyog sa gitna ng silangan malakas ang panindigan, maasahan, ang homesex lagi napaglabanan, kaawa awang kamay gabi-gabi pinagsawaan, bububyog ang aming tunay na kaibigan handa lagi sa ano mang laban (labada), Ipagtangol lagi ang naapi kahit si bubuyog ay laging lugi (may utang ako sa iyo tsaka ko na bayaran).

Bubuyog di ka namin makalimutan kahit saan dako kami mapadpad ikaw ay aming tunay na kaibigan (astig pinoy).

(P.S. bawi ka nalang pag mag blog kana wawawawawa).

Thursday 21 May 2009

DIGMAAN "Unang salta sa Iraq"



Sa pagsalta ko sa dakong ibayo ng giyera, Sandata ko’y lakas ng loob at ang tapang ay kaagabay, walang takot ano man ang mangyari. Ang iniisip paano mabigyan ng magandang buhay ang mga mahal sa buhay.

Nang maapakan ko ang lupang kinatatakutan, Ang tapang koy naging bato di natatakot, di natitinag at palaban. Sa gabi’y di makatulog, di mapakali, natutulala, laging nag iisip kung may mabalikan, Sa mga na-iwanan sa lupang ikaw ay isinilang. Maririnig mo ang putukan at bombahan sa kabilang bayan. Ang takot koy di mababayaran, walang isip kundi hawakan ang crus ng pag-asa, lahat ng santo koy tinawag para lang mapanatag…

Nang Makita ko ang litrato ng mga munting anghel kung iniwan, luha’y di mapigilan, hinahawakan at hinalikan na darating ang araw ay aking makapiling. Ang Lakas ng loob at tapang ay nangaling sa mga naiiwan, at ang higit sa lahat ang pananalig sa itaas na ikaw ay di pababayaan.

Unang mundo ko sa ibayo ng giyera na sa hanggang ngayon ay aking tinirahan, umaasa at nanalig na sa paglisan ko’y walang mangyayari at makapiling muli ang aking mahal sa buhay
.

Monday 18 May 2009

Mundo ng Pag-ibig “Inspirasyonal”

myspace layouts



Pag-ibig? Pag-ibig? Pag-ibig? Mahirap ipaliwanag ang mundo ng pag-ibig? Di mo maintindihan kung bakit ba may pag-ibig? Bakit ba tayo umiibig? Kaibigan kaya mo ba maipaliwanag ang mundo ng pag-ibig? Ahay pag-ibig talaga! Masunod lamang, ma-angkin ka lamang at kahit butas ng karayom papasukin ng dahil sa pag ibig… Nabubuhay ang tao dahil sa pag-ibig and that’s why we are here in this world.

Sa mundo ng pag-ibig marami ang lumigaya, lumuluha, nalulungkot, naapi, naapakan, nadelobyo O nagpakamatay dahil sa pag-ibig. Kaibigan saan ka jan sa pag-ibig mo? at sana sa lumigaya ka, sana hindi sa nalulungkot o naapi, huwag ka lang sana sa nagpakamatay o Nagbigti ng dahil sa pag-ibig… Dahil ang buhay ng tao ay isang “pag-ibig” pagmamahal sa sarili, pagpapahalaga sa sarili, yong bigyan mo ng puwang at bigyan mo ng importansiya ang sarili mo.

Kung bigo ka man kaibigan ng dahil sa pag-ibig? bumangon ka at kaya mo yan, kayang kaya mong ipaglaban , magpakatatag, magpakalakas, magpakatibay and just only one word “kaya ko” Kayang kaya ko kahit akoy bigo. Huwag mong wakasan ang buhay dahil ikaw ay bigo sa pag-ibig, lagi mo tatandaan habang may buhay may pag-asa. Sa pagising mo O pagmulat ng iyong mga mata nakikita mo ang pag-ibig “pagmamahal” sa iyong sarili.

Para sa akin ang pag-ibig ay isang tunay na Pagmamahal sa sarili, mahalin mo at yakapin mo ang mundo mo, isipin mo ang pag-ibig sa sarili ay isang malaking bato sa dalampasigan na kahit anong hampas ng malaking alon ay di natitinag o nadudurog. Ito ang mundo ko sa pag-ibig ang pagmamahal sa sarili.

Sunday 17 May 2009

Ang Bagong kong Mundo "Blog".


Kumusta mga kaibigan! Bagong bago sa mundo ng blog…. Ako pala si “chingthegreat” at ka astig ko sila pareng len “lenzthedreamer” at pareng jhimbo “bomzz” astaka si ka-astig na Rodel “thenothing”. Iisang departamento kami, ka-opisina, kapatid, at kasama sa araw- araw dito sa iraq. Tagal ko na gusto mag blog to share the thoughts, ideas, o kahit ano pa. Dahil nga sa sobrang subsub sa trabaho ngayon lang ako may chance na mag blog at kahit papaano baka may ubra maestra akong pwede na ma e share at ma ibahagi sa mga ka-astig, kapamilya, kababayan at sa mundo ng blog.

Di ko maisip paano mag umpisa at ano ang unang dapat gawin basta ang alam ko kung ano pumasok sa isip ko hala “banat” hehehe. Mahirap talaga mag isip Lalo na pag wala ka sa isip (hehehe). Mahirap talaga mag isip isip ano ang dapat ko sabihin dito sa blog ko kung “ok” ba ang pagkasabi o pagkasalaysay ko sa blog.

Ahhhh basta kong ano man ang masabi ko “you like it or not” galing yan sa PUSO ko... Sa ngayon pakilala mo na ako sa sarili ko. Ako po si “Ritchie” but they called me “ching” taken already but still available if needed (hehehe). I have been here in iraq almost 3 years at di pa naka uwi dahil sa daming obligasyon from the east, north, south & west. Kaya until now I’m still here parin nakikipagsapalaran dito sa mundo ng iraq kung matamaan ka sa mortar o hindi (hehehe) at iisa parin ang layunin to support the family.

Sa mundo ng blog ay isang tunay na damdamin na galing sa iyong puso at isipan. Dito mo masasabi kung ano ang naramdaman mo, mga hinanakit mo sa buhay, at ang lovelife experience mo... mga malulufit mong love life (hehehe) o kahit ano pa. Kaya I’m here para maibulong ng aking puso kong ano ang aking naramdaman at ma isulat dito sa mundo ng blog… again kapuso, kapamilya, kapatid, kaibigan at kababayan andito po si “ching” nagsasabi “ehhh welcome niyo ako” sa mundo ng Blog.