Sunday, 7 June 2009

SABONGERO

“Ang inyong mababasa ay tungkol sa buhay ng may buhay na walang inaapakan kundi ito'y hango lamang sa totoong nangyayari sa buhay ng may akda at naniniwala ang may akda na may karapatan at ipagsabi ang may magandang intention sa kapwa blogero at sa mga mambabasa”

kinahiligan na sa ating mga Pilipino ang tinawag na “sabong o derby” a gamecock - pinaglabanlaban ang mga tandang manok o breeding na mga lalaking manok. Ang sabong o fighting cock was originated in INDIA 4500 years ago…(Nabasa ko sa gogol) Hanggang sa naging cultura narin ng iba’t ibang bansa lalo na sa pilipinas.

Isa rin ako sa mahilig sa manok o sugal sa pagsasabong, Mana-mana daw sa mga angkan ng lolo ng mga lolo namin, Isang hamak na sabungero ang Papa ko “sugarol, lasingero at di babaero” lahing dugo sa pagsasabong. Naala ko napalo pa ako nun hindi ko lang napakain at napainom ng tubig ang mga manok na pansabong. Nakita ko ang imahe ng papa ko sa tuwing madaling araw manok kaagad ang hawak, hinihimashimas at pinaliguan. Naisip ko minsan kaysarap maging manok alagang alaga at maramdaman mo ang kalinga ng isang magulang.

Pero di parin pumasok sa pag-iisip ko ang ganun bagay sa pag sasabong ang trabaho ko magpakain at magpaligo ng mga manok panabong.

Noong college na ako pumasok na sa isip ko ang pag sasabong, sumasama na ako sa papa at kapatid ko lalo na pag may fiesta fiesta sa kabilang dako. Naalala ko fiesta sa kabilang bayan nagdala kami nang apat na tandang manok para panlaban, kaawa-awang mag-ama, tsugi tsugi ang apat na manok , butas butas ang bulsa at may na iwan piso pambili ng chewing gum.

So that time I was challenge and encourage myself, gusto ko bumawi and so what I did? I purchase some CD and magazine for cockfighting, Naalala ko pa nga may isa akong idol si PATRICK ANTONIO one of the “Derby championship” and very well known sa mga big time Derby sa Pilipinas.

The exciting event…..

Nag start kami at nag breed ng mga bagong lahi na manok panabong, Nagsakripisyo kami ng kapatid ko, inaalagaan at pinawisan sa tamang training ang ginawa namin. Sabi nga nila pag may tiyaga may nilaga, Nagkalaunan di ko namalayan nag work out ang ginawa namin sakripisyo.




Dito ako bumawi.....

Naalala ko May fiesta ulit sa kabilang bayan nag dala kami ng tatlong manok panabong, di mo akalain umiindak kami sa saya panalong-panalo ang tatlo manok namin, makapal ang bulsa namin mag-ama at may libre pa pang pulutan. Masaya manalo! Masaya may humahanga! Masaya may magsabi ang galing galing ng manok mo! Grabeng Grabe pumapalo ang manok mo! At siya nga pala balato din! Yan ang mga katagang maririnig mo sa loob ng sabungan.

Dito ako naging addict….

Naalala ko kung saan may fiesta, kung saan may sabong o derby andun naka subsub ang mukha! Mukha! Mukha! Ko, ilang champion din sa derby ang nakapagpakilala sa amin, ilang talo din ang naka pag dismaya sa amin… sikat ka diba! Sikat na sikat! Hanggang saan ang kasikatan?, hanggang saan ka kilalanin?, hanggang kailan marami ang panalo at ang talo.

The worst is……
Bilang mo ang panalo at di mo bilang ang talo, ang talo ang naging anay sa sugal.

Nakita mo nalang ang iba nawasak ang pamumuhay ng dahil sa sugal, nawasak na pamilya, nagbebenta ng mga walang kwentang bagay para lang may ma e sugal, Ang mansion mong bahay naging kubo at ang mga ginto mong suot tingin nila sa iyo isa kang prinsipe ng palasyo ngayon naging mosmos ka sa lansangan. Tingin sa iyo isa kang hari ng sabungan ngayo’y isang hari kana ng selda.

Hinyaan ko ang anay ang unti-unti sumira sa aking pagkatao, unti-unti sumira sa aking pamumuhay, nagpakalolong sa walang kawalan, nag paka addict sa walang patutunguhan, nagpakabulag sa mga mata ng kadiliman, nagpakasira sa bulok na paraan.


Ayoko na at di ko na isaisahin at isalaysay ang mga nang yayari, basta ako bumangon ulit at nagsimula sa bago kung mundo kung saan ako may patutunguhan.

Nagising ako sa katotohanan , tinalikuran ko ang nakaraan na ang pagsasabong ay walang dulot na ma-ibigay sa aking magandang patutunguhan.


ching 07June2007

6 comments:

bomzz said...

lugro zezz! a zezz! a zezz!! site zezzz... sa biya! sa biya!! sa inilog! sa inilog!... hahaha..

ang ingay don parang laging nag hahamon ng suntokan mga tao hehehe

yan ang pinakamagandang gawin ng iwanan.... nanggaling na rin sa iyo na itoy walang patutungohan.. payong kaibigan.. lang :)


nice wento dong... yang sinasabi ko.. en englis dats wat im toking abawt!!! hahahahah

Ching said...

bomzz,

hehehe thanks sa payo.... ayoko na sa manok iba na naman hahaha....


ching

lenz said...

ching pag uwi ntin turuan mo akong mag sabong hehehe...gsto kong matuto kong pano ang pag bato ng pera...dami rin bang babae sa sabungan!!!

Anonymous said...

never ko pa na-experience ang makapanood ng sabong. haha! deprived ako..

ROM CALPITO said...

Totoo yan sa sugal laging talo sa huli.. sayang ang perang pinaghirapan ng dahil lang sa pansariling kaligayahan.

Mabuti nakita nyo narin ang epekto ng sugal Mr ching salamat sa pagbisita ninyo sa hangout ko.

diokchu said...

sige hala dahil huli ang pagsisisi dong ....