Thursday 21 May 2009

DIGMAAN "Unang salta sa Iraq"



Sa pagsalta ko sa dakong ibayo ng giyera, Sandata ko’y lakas ng loob at ang tapang ay kaagabay, walang takot ano man ang mangyari. Ang iniisip paano mabigyan ng magandang buhay ang mga mahal sa buhay.

Nang maapakan ko ang lupang kinatatakutan, Ang tapang koy naging bato di natatakot, di natitinag at palaban. Sa gabi’y di makatulog, di mapakali, natutulala, laging nag iisip kung may mabalikan, Sa mga na-iwanan sa lupang ikaw ay isinilang. Maririnig mo ang putukan at bombahan sa kabilang bayan. Ang takot koy di mababayaran, walang isip kundi hawakan ang crus ng pag-asa, lahat ng santo koy tinawag para lang mapanatag…

Nang Makita ko ang litrato ng mga munting anghel kung iniwan, luha’y di mapigilan, hinahawakan at hinalikan na darating ang araw ay aking makapiling. Ang Lakas ng loob at tapang ay nangaling sa mga naiiwan, at ang higit sa lahat ang pananalig sa itaas na ikaw ay di pababayaan.

Unang mundo ko sa ibayo ng giyera na sa hanggang ngayon ay aking tinirahan, umaasa at nanalig na sa paglisan ko’y walang mangyayari at makapiling muli ang aking mahal sa buhay
.

6 comments:

Gumamela said...

Iyong iniwan mga mahal sa buhay,
Nangarap kang ginituang bukas anjan,
ngunit digmaan ang iyon napuntahan,
panghihinayang ba'y nasa iyong isipan?

wag kang mag-alala madaming kang nakilala,
sa piling nila ika'y sumaya,
kahit pa madaming pagsubok & problema,
mga kaibigan dumaramay at nakakasama.

Amawwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwww
may kasalanan ka sa akin(hahaha)joke!
have a nice day!

lenz said...

ching masaya na mahirap ang mundo ntin sa iraq..

amaw ching sabi ni bhing hehehehe kaw ang ng turo niyan sa kanya..

Rome said...

parekoy parang nagsilbi kang inspirasyon sa kin salamat sa post mo...

Paalis na din ako eh patungo naman sa barko.... tama ka kahit anong hirap kakayanin...para lang mabigyan ng magandang bukas ang pamilya...

god bless bro...

Ching said...

rome,

ayos lang basta ang importanet mahalaga heheh, good luck sa pagsakay mo sa bago mong mundo sa barko...

Hari ng sablay said...

kakalungkot naman yan, tatagan lang ang loob...di ka niya pababayaan... :)

Anonymous said...

puro dasal lang ang katapat nyan..

salamat sa mga gingagawa mo para sa bayan mo.