Habang nasa loob ako ng eroplano balik balik kong binasa ang ticket at visa… wala talaga nakalagay na company at biglang may narinig ako sa isang piloto na papunta ng hongkong ang eroplano. Aba! Kinakabahan ako bakit hongkong? Buti nalang may babae sa harap ng upuan nag tanong ako “Miss saan punta mo?” sabi niya Dubai. Pinatingin ko ang ticket ko sa kanya sabi niya pareha tayo connecting flight baba tayo sa hongkong at sasakay ulit ng eroplano papuntang dubai at baguhan daw din siya.
Medyo napanatag ang loob ko at may kasama na ako inisip ko parin bahala na at positive parin ako...
Paglapag sa may hongkong airport sabi ng babae sa akin sunod lang tayo kay manong papunta siya ng quatar kasi ang eroplano sasakyan natin mag stop over ng Bharain dun siya baba… ahay! nadagdagan na naman ang lakas ng loob ko.
Habang sunod ng sunod ako sa kanila hindi ko na alam baba ng skeletor tapos aakyat na naman…ang haba ng nilakad namin mas lalo na ako nalilito at ang daming tao klase klaseng dayuhan…basta sunod lang ako sa kanila hangang nakasakay ulit kami ng eroplano papunta na ng dubai.
Nasa loob na ako ng eroplano aba mga sinkit ang mata ng mga flight stewardess iniisip ko di ako marunong mag “Chinese o hongkish o japanish” nagugutom ako at nauuhaw. Habang naka upo na ako Maya maya may naglibot na para mag bigay ng pagkain. Iba ang mga pagkain "no Choice! " kain nalang ako para mabusog.
Mayamaya tapos kumain aba may dala isang flight stewardes na mga wine na nakalagay lang sa Cart… she offer me “sir u want some drinks” sabi ko “yes” imported to maka inom nga at aba nasarapan ako.. sabi ko ulit “Can u give me some more” na pa spoken dollar tuloy ako.
Nag stop over na kami sa bharain at umalis na si manong at tuloy ang biyahe namin papunta ng dubai
Paglapag sa dubai airport sunod lang ako sa babae kasi sunduin daw siya ng auntie nya at naki daloy lang kami sa mga kasama naming pasahero… ibang klase na naman nakikita ko mga dayuhan halos karamihan naka takip ang mukha yong mga lalake mahaba ang palda… tuloy lang ako wala akong pakialam chini check muna ang passport at visa namin…. Akyat at baba parin kami sa skeletor ahay! buhay wala talagang alam basta sunod lang ako ng sunod sa mga kasama kung pasahero.
Nasa exit na kami ng airport I’m sure sa baba na yon kasi may nakita na akong over pass ng mga sasakyan at mga taxi. Yong iba nakikita ko may mga sundo na sila at yong babae ko kasama nasundo na rin ng auntie niya… inisip ko sino kaya magsundo sa akin bakit wala akong nakitang pangalan ko na binandera sa labas kagaya ng "Welcome Ritchie".

Dalawang oras na nakalipas wala parin at naalala ko tatawagan ko siya di ko rin alam paano tumawag at saan ako tatawag. Pumasok ako ulit sa loob may nakita akong isang casher na babae sabi ko “Miss are you Filipina?” sabi niya “obvious ba” Filipina nga! nagtagalog ehh! Tinanong ko siya magkano ba pag bumili ng card kasi P300 pesos pera ko kasya kaya… di daw kasya kasi palitan pa ng derhams… di ko rin alam ano ang derhams?. Sabi nya hanap ka dyan na pinoy na may celpon makisuyo ka…
Ngayon naghanap ako at may nakita akong lalake na pilipino may celpon siya malapit sa may pintuan. Sabi ko “pre pakitawag naman nito number kanina pa ako nag hihintay” baguhan kasi ako wala pa akong alam. Inabot ko ang maliit na papel at tinawagan niya at sabi niya “ Pre may naghihintay sa iyo dito sa airport kanina pa naghintay” ngayon binigay sa akin ang celpon kinausap ko ang nag sundo sa akin sabi niya sa akin “saan kaba? Kanina pa ako naghintay sa iyo ano ba damit mo?" Sabi ko andito lang ako sa loob malapit sa may counter nakadamit orange ako!. Sabi niya ulit "ok hintay ka lang jan puntahan kita…. "
Ngayon binaba ko ang celpon at binigay ko kay parekoy “salamat parekoy puntahan daw ako dito” , lumakas ang aking pakiramdam at napanatag ang aking loob. May pumasok na lalake ehhh yon ang nakita ko na matipuno at gwapo na may picture na logo sa company namin at tinawag ako sabi niya “ikaw pa pala ang sinundo ko di mo ba alam company mo? hanaphanap ako ikaw lang pala” sabi ko pasensiya na di sinabi sa akin ng agent ko. Napatawa ako na Masaya na at last nasa mabuti na ako.
Parang nabunutan ako ng tinik sa mga oras na yon at lalong lumalakas at napanatag ang aking loob, sa baka sakali kong karanasan at sa ngayon andito na ako sa mundo ng irak at nagamit ko rin ang aking pinag-aralan bilang isang computer science.
The end.
5July2009 ching