Sunday, 5 July 2009

BAKA SAKALI(2)

Connecting flight to hongkong.

Habang nasa loob ako ng eroplano balik balik kong binasa ang ticket at visa… wala talaga nakalagay na company at biglang may narinig ako sa isang piloto na papunta ng hongkong ang eroplano. Aba! Kinakabahan ako bakit hongkong? Buti nalang may babae sa harap ng upuan nag tanong ako “Miss saan punta mo?” sabi niya Dubai. Pinatingin ko ang ticket ko sa kanya sabi niya pareha tayo connecting flight baba tayo sa hongkong at sasakay ulit ng eroplano papuntang dubai at baguhan daw din siya.

Medyo napanatag ang loob ko at may kasama na ako inisip ko parin bahala na at positive parin ako...

Paglapag sa may hongkong airport sabi ng babae sa akin sunod lang tayo kay manong papunta siya ng quatar kasi ang eroplano sasakyan natin mag stop over ng Bharain dun siya baba… ahay! nadagdagan na naman ang lakas ng loob ko.

Habang sunod ng sunod ako sa kanila hindi ko na alam baba ng skeletor tapos aakyat na naman…ang haba ng nilakad namin mas lalo na ako nalilito at ang daming tao klase klaseng dayuhan…basta sunod lang ako sa kanila hangang nakasakay ulit kami ng eroplano papunta na ng dubai.

Nasa loob na ako ng eroplano aba mga sinkit ang mata ng mga flight stewardess iniisip ko di ako marunong mag “Chinese o hongkish o japanish” nagugutom ako at nauuhaw. Habang naka upo na ako Maya maya may naglibot na para mag bigay ng pagkain. Iba ang mga pagkain "no Choice! " kain nalang ako para mabusog.

Mayamaya tapos kumain aba may dala isang flight stewardes na mga wine na nakalagay lang sa Cart… she offer me “sir u want some drinks” sabi ko “yes” imported to maka inom nga at aba nasarapan ako.. sabi ko ulit “Can u give me some more” na pa spoken dollar tuloy ako.

Nag stop over na kami sa bharain at umalis na si manong at tuloy ang biyahe namin papunta ng dubai

Paglapag sa dubai airport sunod lang ako sa babae kasi sunduin daw siya ng auntie nya at naki daloy lang kami sa mga kasama naming pasahero… ibang klase na naman nakikita ko mga dayuhan halos karamihan naka takip ang mukha yong mga lalake mahaba ang palda… tuloy lang ako wala akong pakialam chini check muna ang passport at visa namin…. Akyat at baba parin kami sa skeletor ahay! buhay wala talagang alam basta sunod lang ako ng sunod sa mga kasama kung pasahero.

Nasa exit na kami ng airport I’m sure sa baba na yon kasi may nakita na akong over pass ng mga sasakyan at mga taxi. Yong iba nakikita ko may mga sundo na sila at yong babae ko kasama nasundo na rin ng auntie niya… inisip ko sino kaya magsundo sa akin bakit wala akong nakitang pangalan ko na binandera sa labas kagaya ng "Welcome Ritchie".


Mamaya maya may nakasalubong ako isang lalake… Matankad at Matipuno ang katawan at gwapo “ May dala siyang plakard na ang PICTURE na nakita nyong logo” sabi nya “PPI” paulit ulit na sinabi. Inignor ko lang siya kasi di ko talaga alam ano company ako at di ko kilala sino mag sundo sa akin pumunta ako sa gilid ng pinto naghinhintay sino kumalabit sa akin at wala parin.

Dalawang oras na nakalipas wala parin at naalala ko tatawagan ko siya di ko rin alam paano tumawag at saan ako tatawag. Pumasok ako ulit sa loob may nakita akong isang casher na babae sabi ko “Miss are you Filipina?” sabi niya “obvious ba” Filipina nga! nagtagalog ehh! Tinanong ko siya magkano ba pag bumili ng card kasi P300 pesos pera ko kasya kaya… di daw kasya kasi palitan pa ng derhams… di ko rin alam ano ang derhams?. Sabi nya hanap ka dyan na pinoy na may celpon makisuyo ka…

Ngayon naghanap ako at may nakita akong lalake na pilipino may celpon siya malapit sa may pintuan. Sabi ko “pre pakitawag naman nito number kanina pa ako nag hihintay” baguhan kasi ako wala pa akong alam. Inabot ko ang maliit na papel at tinawagan niya at sabi niya “ Pre may naghihintay sa iyo dito sa airport kanina pa naghintay” ngayon binigay sa akin ang celpon kinausap ko ang nag sundo sa akin sabi niya sa akin “saan kaba? Kanina pa ako naghintay sa iyo ano ba damit mo?" Sabi ko andito lang ako sa loob malapit sa may counter nakadamit orange ako!. Sabi niya ulit "ok hintay ka lang jan puntahan kita…. "

Ngayon binaba ko ang celpon at binigay ko kay parekoy “salamat parekoy puntahan daw ako dito” , lumakas ang aking pakiramdam at napanatag ang aking loob. May pumasok na lalake ehhh yon ang nakita ko na matipuno at gwapo na may picture na logo sa company namin at tinawag ako sabi niya “ikaw pa pala ang sinundo ko di mo ba alam company mo? hanaphanap ako ikaw lang pala” sabi ko pasensiya na di sinabi sa akin ng agent ko. Napatawa ako na Masaya na at last nasa mabuti na ako.

Parang nabunutan ako ng tinik sa mga oras na yon at lalong lumalakas at napanatag ang aking loob, sa baka sakali kong karanasan at sa ngayon andito na ako sa mundo ng irak at nagamit ko rin ang aking pinag-aralan bilang isang computer science.

The end.




5July2009 ching

38 comments:

bomzz said...

promdi! hahaha.....

bomzz said...

oy!! Touch down pala ako...

ayus dong pag uwi sa pinas sigurado... na mag welcome! sa iyo.. heheh

Bhing said...

kuya, gnyan tlga pag 1st time...lahat ngkaba, thrill, takot, laht ng emosyon mararamdaman...

natawa ako dun sa can u give me more wine(hahaha) ngpapahalata...

sa bawat hirap n dinanas my kapalit ng gantimpala galing sa Kanya bsta dw mag stick to one ka yan ang deal ng nasa ITAAS...

more post!

lenz said...

hahaha natatawa ako ching,pag kuwentuhan na lang ntin sa personal.mag popeye ka para maganda ang kuwentuhan!lolzz

JETTRO said...

parekoy ganyan tlaga sa una..
wala tayong pinagkaiba.
buti nga may baon kang pera samantlang ako 20 pesos lang ang baon ko papuntang jeddah wala nman kasi akong trabaho noon sa pinas hirap ang buhay ko noon namumulot lang ako ng lata sa pinas.

ang diyos lang ang nagpaalis sa akin.

Ching said...

@bomzzz,

hahaha international promdi nga, yon ang maganda pag uwi sa pinas kaso di pa ako nakaapak ng mayanila kahit airport (lols).

ching

Ching said...

@bunso na bhing,

can u give me some more wine halata atah na lasingero (lols)...

sige deal stick to one nalang hehehe.

ching

Manang Dyi said...

ayun!

ganun tlga kuya sa umpisa...kaya nga ako nung nagpunta din dito e direct flight ako...cguro kase natakot ung tita ko na baka mawala ako pag connecting flight ang kukuhanin niyang ticket saken. hehehe...

atleast may karanasan ka. may maikukwento ka... ahekz! at malamang ngayon e natatawa ka nalang sa sarili mo pag naaalala mo yun... hehehe...

at dahil sa karanasan na yun, naging ok ang career mo...o di ba? san ka pa? hihihihi...

Ching said...

@lenz,

lagi nalang tayo popeye hehehe ubos na alowans natin...

kain lang muna tayo sa meshall hahaha.

ching

Ching said...

@Jettro,

oo nga perekoy dios na ang bahala sioya na ang may alam...at lease sa karanasan ko ngayon di ko parin alam hehehe.

salamat parekoy....

ching

Ching said...

@jee,

oo nga Matawa ako pag naalala ko at positive lang ako lagi...

at least ngayon ok na ako at nasa career mode.

salamat ingats...

ching

EǝʞsuǝJ said...

andto na pla yung karugtong..
aww...
ang hirap tlga pag unang pers taym umalis ng bansa
mixed emotions...
mabuti na lang kahit saang lupalop ng mundo eh merong KABAYAN...

teka kuya..
anjan din sa Iraq ang Titodear ko
kung hindi ako nagkakamali,
same company kayo...
hmmmm....
hehehe

SEAQUEST said...

Sa cmula pa lang alam ko nakung ano compant nio kc di kayo nag direct agad ng iraq eh, dumadaan talaga kayo ng dubai karaniwan, iknow your company here in makati PPI kasi po dun ako kumukuha dati ng december bonus, jan ka pala nagwowork sa mga sundalong kano, yah, wala nga daw kayo babae jan sabi nia hehehe, wag ko na sabihin kung cno secret baka kilala mo eh, kc jan di cia ngwowork saka isa lang company nio...uy, malaki sahod jan wag mag deny alam ko...hhehehe..kaya pala amoy dollar ka kuya ha...joke

Ching said...

@Jen,

hahaha andito ba tito dear mo e regards nalang kta... matsalam jen..

buti nga may mga mababait na kabayan natin....


ching

Ching said...

@seaquest,

hehehe dami babaeng sundalo dito... sino nagsabi kilala ko yan hahaha?

di naman malaki sahod tama lang sa isang asawa.... hehehe

ching

SEAQUEST said...

Ganun!! hehehe, secret nga eh, actually andito na cia 3 weeks ago pa ata ewan ko di p kc kami nagkita, ang alam ko lang pabalik cia this coming 1st week of august..weeehhhh....

Ching said...

@seaquest,

hmmmm kilala mo ba? cgurado kilala ko yan.... hehehe

sabihin mo na?

ching

meaww said...

ching...nagyaya na naman si dodong pop eye..butas na naman ang bulsa nyahahaha..

palipasin na lng nating sandstorm..libre ko kau..basta dukot lng sa bulsa at mag bigay ng 5 dollar okey na yan ako na bahala sa natira nyahahaha...

badong said...

ayos yan kuya,,nyahaha...sabay sabay na tyong uuwi sa 2011..para pag-uwi wala na tayong uwiang asawa..

si dodong len sabay na lng kmi..parihas kming binata..kaso lng c dodong namimitas ng bulaklak sa ibang hardin..lolssss

pezzzz dodong

Ching said...

meaww,

akala ko pusa ang nagkumento nyah hahahha... tama nga teg 5 dollar ano dong lentot hugot na wlaa na akong pang card...

ching

Francesca said...

everytime I took flights manila to dubai (to take a flight to nice france after), i saw passengers like you, first timers, some even cannot eat, full of emotions inside their brains, thinking of the family they left in Phils.

Some would just sleep, or secretly cried. If I were next to them, I try to get a happy conversation, but even then, i cannot replace the missed family despite I put all the jokes I could imagine.

All the best in Irak, have courage, soon is home sweet home after the contract.

Arvin U. de la Peña said...

ako hanggang sa manila pa lang na eroplano nasasakyan ko..tacloban to manila..kailan kaya ako makakasakay ng eroplano na papunta sa ibang bansa..

maging inspirasyon sana sa iyo sa hamon ng buhay kapag mabasa mona ang new post kong May Bukas Pa at www.arvin95.blogspot.com

Ching said...

@badong,

hahaha sabayan na kita 2011 nyahhhh baka manigas na tayo dito...

dodong len talaga mamitas pa ng bulalak ehhh may bulaklak kana laging inaamoy...

ching

Ching said...

@francesa,

salamat sa kumento mo at dalaw mo cguro ganun talaga ang life kailangan lang always positive...

ching

Ching said...

dong arvin,

hintayin makarating ka rin kung gustuhin mo talaga dito sa ibang bansa...

salamat...

ching

Muffie Shannen said...

wihh! in fairness matapang ka pa nyan sa lagay na yan.. good luck sa iyong adventures sa ibang bansa, mami miss mo ang pinas ha ha..

lenz said...

dong ching hayaan mo na wag kanang bumili ng card enjoy ka n alang sa pag chat...

sino si dong badong ayaw mag pakilala baka siya ang namimitas sa hardin ddon sa hongkong..lolzz

Ching said...

muffie shannen,

oo nga misss ko na haha uwui na ako... matsalam sa kumento


@lenz,

hahaha si bubuyog yan dodong len....namitas na naman sa hongkong.

ching

kheed said...

kamusta ang irak parekoi? hehe

ako nga pala yung lalakeng nagpahiram sayo ng cellphone, bakit hindi mo ako binayadan? hehe

congrats naman at nagagamit mo na ang course mo, ako kasi nasayang ang apat na taong pinagaralan ko tapos napunta ako sa ibang field, pero okay na din.. masaya din naman ako kahit papaano..

Ching said...

kheed,

oo nga at least di nasayang at nagamit ko rin ang pasikotsikot na ginagamit naming system....

nagamit ko rin ang natutunan ko sa computer kahit konti... matsalam sa kumento...

ching

Mr. Thoughtskoto said...

pwede ba lagyan ng logo ng peba ang post na ito at yung sa ibaba, haha, pagdugtungin tapos PEBA ENTRY? Bakit naman hindi di ba? hehehe. Kwentong real, kwentong nakakarelate ako nung first time ko, haha.

Thanks for dropping by the Thoughtskoto Ching!

Ching said...

mr. thoughtskoto,

hahaha oo nga ok lang... baguhan pa ako sa blog... try ko lang at salamat...

salamat sa kumento...

ching

Lord CM said...

Ayun oh!!!Comp Sci ka rin, pasok mo naman ako jan...Ano ba work mo jan? malake ba sweldo? lolzz

Ching said...

CM,

tama lang sweldo para sa isang asawa hehehe...

salamat sa kumento... thanks

ching

Crisiboy said...

tama lahat ng 1st time nakakatakot minsan pero sa una lang magiging masaya rin after..hahaha

meryl said...

wow congratulations sayo! talagang ganyan kapag baguhan...di alam sa una. i'm sure ngayon sanay na sanay ka na diyan. good luck sa iyong karir!
nga pala at talagang matipino at gwapo ang diskripsyon mo sa lalake hehehe. o sya..ingat.

GEM said...

napadaan po ako dito.nakikibasa.salamat sa Diyos at nakarating po kayo ng maayos at alam kong masaya kayo at nagamit nyo ang inyong pag ka comp sci dyan sa iraq. marami kc ngayon sa ating pinoy ang comp sayang...masaya ako sa inyong tagumpay!

Dhianz said...

ahlab reading 'ur post... aliw ang pagkuwento moh.. galing nang every details... kakatuwa naman 'un... naghihintayan kayoh tapos nagkatabi na kayoh eh kayo palah 'ung nagsusunduan... parang labo nagn pagkakasabi koh ah? so hmmzz... so sa Iraq kah po palah? teka.. parang tagal na tong post moh ah... nag-hiatus kah po bah?.. so yeah.. tc na lang po.. Godbless! -di