Thursday 28 May 2009

BUBUYOG SI RODEL

MR. RoDeL


(basa basa lang.... walang bayad)

Bubuyog napadpad sa gitnang silangan animo’y taong di makabasag pingan, isang henyo pinanganak sa gitna ng kalawakan. Itong bubuyog ang kabaitan di mapigilan at ikaw ay pagbigyan… (tuwad). Lahat ng bagay na pag usapan ay may alam at umiiyak kung mapapantayan.

Bubuyog Sa tropa nagbigay ng kasiyahan, tawanan di mapigilan at minsan nagbigay ng kaasaran, bubuyog ang utak lagi umiikot naghahanap sino ang ma pagtripan, kahit bakla’y hinahawakan, hinimashimas at pinagnasaan.

Bubuyog sa gitna ng silangan malakas ang panindigan, maasahan, ang homesex lagi napaglabanan, kaawa awang kamay gabi-gabi pinagsawaan, bububyog ang aming tunay na kaibigan handa lagi sa ano mang laban (labada), Ipagtangol lagi ang naapi kahit si bubuyog ay laging lugi (may utang ako sa iyo tsaka ko na bayaran).

Bubuyog di ka namin makalimutan kahit saan dako kami mapadpad ikaw ay aming tunay na kaibigan (astig pinoy).

(P.S. bawi ka nalang pag mag blog kana wawawawawa).

Thursday 21 May 2009

DIGMAAN "Unang salta sa Iraq"



Sa pagsalta ko sa dakong ibayo ng giyera, Sandata ko’y lakas ng loob at ang tapang ay kaagabay, walang takot ano man ang mangyari. Ang iniisip paano mabigyan ng magandang buhay ang mga mahal sa buhay.

Nang maapakan ko ang lupang kinatatakutan, Ang tapang koy naging bato di natatakot, di natitinag at palaban. Sa gabi’y di makatulog, di mapakali, natutulala, laging nag iisip kung may mabalikan, Sa mga na-iwanan sa lupang ikaw ay isinilang. Maririnig mo ang putukan at bombahan sa kabilang bayan. Ang takot koy di mababayaran, walang isip kundi hawakan ang crus ng pag-asa, lahat ng santo koy tinawag para lang mapanatag…

Nang Makita ko ang litrato ng mga munting anghel kung iniwan, luha’y di mapigilan, hinahawakan at hinalikan na darating ang araw ay aking makapiling. Ang Lakas ng loob at tapang ay nangaling sa mga naiiwan, at ang higit sa lahat ang pananalig sa itaas na ikaw ay di pababayaan.

Unang mundo ko sa ibayo ng giyera na sa hanggang ngayon ay aking tinirahan, umaasa at nanalig na sa paglisan ko’y walang mangyayari at makapiling muli ang aking mahal sa buhay
.

Monday 18 May 2009

Mundo ng Pag-ibig “Inspirasyonal”

myspace layouts



Pag-ibig? Pag-ibig? Pag-ibig? Mahirap ipaliwanag ang mundo ng pag-ibig? Di mo maintindihan kung bakit ba may pag-ibig? Bakit ba tayo umiibig? Kaibigan kaya mo ba maipaliwanag ang mundo ng pag-ibig? Ahay pag-ibig talaga! Masunod lamang, ma-angkin ka lamang at kahit butas ng karayom papasukin ng dahil sa pag ibig… Nabubuhay ang tao dahil sa pag-ibig and that’s why we are here in this world.

Sa mundo ng pag-ibig marami ang lumigaya, lumuluha, nalulungkot, naapi, naapakan, nadelobyo O nagpakamatay dahil sa pag-ibig. Kaibigan saan ka jan sa pag-ibig mo? at sana sa lumigaya ka, sana hindi sa nalulungkot o naapi, huwag ka lang sana sa nagpakamatay o Nagbigti ng dahil sa pag-ibig… Dahil ang buhay ng tao ay isang “pag-ibig” pagmamahal sa sarili, pagpapahalaga sa sarili, yong bigyan mo ng puwang at bigyan mo ng importansiya ang sarili mo.

Kung bigo ka man kaibigan ng dahil sa pag-ibig? bumangon ka at kaya mo yan, kayang kaya mong ipaglaban , magpakatatag, magpakalakas, magpakatibay and just only one word “kaya ko” Kayang kaya ko kahit akoy bigo. Huwag mong wakasan ang buhay dahil ikaw ay bigo sa pag-ibig, lagi mo tatandaan habang may buhay may pag-asa. Sa pagising mo O pagmulat ng iyong mga mata nakikita mo ang pag-ibig “pagmamahal” sa iyong sarili.

Para sa akin ang pag-ibig ay isang tunay na Pagmamahal sa sarili, mahalin mo at yakapin mo ang mundo mo, isipin mo ang pag-ibig sa sarili ay isang malaking bato sa dalampasigan na kahit anong hampas ng malaking alon ay di natitinag o nadudurog. Ito ang mundo ko sa pag-ibig ang pagmamahal sa sarili.

Sunday 17 May 2009

Ang Bagong kong Mundo "Blog".


Kumusta mga kaibigan! Bagong bago sa mundo ng blog…. Ako pala si “chingthegreat” at ka astig ko sila pareng len “lenzthedreamer” at pareng jhimbo “bomzz” astaka si ka-astig na Rodel “thenothing”. Iisang departamento kami, ka-opisina, kapatid, at kasama sa araw- araw dito sa iraq. Tagal ko na gusto mag blog to share the thoughts, ideas, o kahit ano pa. Dahil nga sa sobrang subsub sa trabaho ngayon lang ako may chance na mag blog at kahit papaano baka may ubra maestra akong pwede na ma e share at ma ibahagi sa mga ka-astig, kapamilya, kababayan at sa mundo ng blog.

Di ko maisip paano mag umpisa at ano ang unang dapat gawin basta ang alam ko kung ano pumasok sa isip ko hala “banat” hehehe. Mahirap talaga mag isip Lalo na pag wala ka sa isip (hehehe). Mahirap talaga mag isip isip ano ang dapat ko sabihin dito sa blog ko kung “ok” ba ang pagkasabi o pagkasalaysay ko sa blog.

Ahhhh basta kong ano man ang masabi ko “you like it or not” galing yan sa PUSO ko... Sa ngayon pakilala mo na ako sa sarili ko. Ako po si “Ritchie” but they called me “ching” taken already but still available if needed (hehehe). I have been here in iraq almost 3 years at di pa naka uwi dahil sa daming obligasyon from the east, north, south & west. Kaya until now I’m still here parin nakikipagsapalaran dito sa mundo ng iraq kung matamaan ka sa mortar o hindi (hehehe) at iisa parin ang layunin to support the family.

Sa mundo ng blog ay isang tunay na damdamin na galing sa iyong puso at isipan. Dito mo masasabi kung ano ang naramdaman mo, mga hinanakit mo sa buhay, at ang lovelife experience mo... mga malulufit mong love life (hehehe) o kahit ano pa. Kaya I’m here para maibulong ng aking puso kong ano ang aking naramdaman at ma isulat dito sa mundo ng blog… again kapuso, kapamilya, kapatid, kaibigan at kababayan andito po si “ching” nagsasabi “ehhh welcome niyo ako” sa mundo ng Blog.