Sunday 5 July 2009

BAKA SAKALI(2)

Connecting flight to hongkong.

Habang nasa loob ako ng eroplano balik balik kong binasa ang ticket at visa… wala talaga nakalagay na company at biglang may narinig ako sa isang piloto na papunta ng hongkong ang eroplano. Aba! Kinakabahan ako bakit hongkong? Buti nalang may babae sa harap ng upuan nag tanong ako “Miss saan punta mo?” sabi niya Dubai. Pinatingin ko ang ticket ko sa kanya sabi niya pareha tayo connecting flight baba tayo sa hongkong at sasakay ulit ng eroplano papuntang dubai at baguhan daw din siya.

Medyo napanatag ang loob ko at may kasama na ako inisip ko parin bahala na at positive parin ako...

Paglapag sa may hongkong airport sabi ng babae sa akin sunod lang tayo kay manong papunta siya ng quatar kasi ang eroplano sasakyan natin mag stop over ng Bharain dun siya baba… ahay! nadagdagan na naman ang lakas ng loob ko.

Habang sunod ng sunod ako sa kanila hindi ko na alam baba ng skeletor tapos aakyat na naman…ang haba ng nilakad namin mas lalo na ako nalilito at ang daming tao klase klaseng dayuhan…basta sunod lang ako sa kanila hangang nakasakay ulit kami ng eroplano papunta na ng dubai.

Nasa loob na ako ng eroplano aba mga sinkit ang mata ng mga flight stewardess iniisip ko di ako marunong mag “Chinese o hongkish o japanish” nagugutom ako at nauuhaw. Habang naka upo na ako Maya maya may naglibot na para mag bigay ng pagkain. Iba ang mga pagkain "no Choice! " kain nalang ako para mabusog.

Mayamaya tapos kumain aba may dala isang flight stewardes na mga wine na nakalagay lang sa Cart… she offer me “sir u want some drinks” sabi ko “yes” imported to maka inom nga at aba nasarapan ako.. sabi ko ulit “Can u give me some more” na pa spoken dollar tuloy ako.

Nag stop over na kami sa bharain at umalis na si manong at tuloy ang biyahe namin papunta ng dubai

Paglapag sa dubai airport sunod lang ako sa babae kasi sunduin daw siya ng auntie nya at naki daloy lang kami sa mga kasama naming pasahero… ibang klase na naman nakikita ko mga dayuhan halos karamihan naka takip ang mukha yong mga lalake mahaba ang palda… tuloy lang ako wala akong pakialam chini check muna ang passport at visa namin…. Akyat at baba parin kami sa skeletor ahay! buhay wala talagang alam basta sunod lang ako ng sunod sa mga kasama kung pasahero.

Nasa exit na kami ng airport I’m sure sa baba na yon kasi may nakita na akong over pass ng mga sasakyan at mga taxi. Yong iba nakikita ko may mga sundo na sila at yong babae ko kasama nasundo na rin ng auntie niya… inisip ko sino kaya magsundo sa akin bakit wala akong nakitang pangalan ko na binandera sa labas kagaya ng "Welcome Ritchie".


Mamaya maya may nakasalubong ako isang lalake… Matankad at Matipuno ang katawan at gwapo “ May dala siyang plakard na ang PICTURE na nakita nyong logo” sabi nya “PPI” paulit ulit na sinabi. Inignor ko lang siya kasi di ko talaga alam ano company ako at di ko kilala sino mag sundo sa akin pumunta ako sa gilid ng pinto naghinhintay sino kumalabit sa akin at wala parin.

Dalawang oras na nakalipas wala parin at naalala ko tatawagan ko siya di ko rin alam paano tumawag at saan ako tatawag. Pumasok ako ulit sa loob may nakita akong isang casher na babae sabi ko “Miss are you Filipina?” sabi niya “obvious ba” Filipina nga! nagtagalog ehh! Tinanong ko siya magkano ba pag bumili ng card kasi P300 pesos pera ko kasya kaya… di daw kasya kasi palitan pa ng derhams… di ko rin alam ano ang derhams?. Sabi nya hanap ka dyan na pinoy na may celpon makisuyo ka…

Ngayon naghanap ako at may nakita akong lalake na pilipino may celpon siya malapit sa may pintuan. Sabi ko “pre pakitawag naman nito number kanina pa ako nag hihintay” baguhan kasi ako wala pa akong alam. Inabot ko ang maliit na papel at tinawagan niya at sabi niya “ Pre may naghihintay sa iyo dito sa airport kanina pa naghintay” ngayon binigay sa akin ang celpon kinausap ko ang nag sundo sa akin sabi niya sa akin “saan kaba? Kanina pa ako naghintay sa iyo ano ba damit mo?" Sabi ko andito lang ako sa loob malapit sa may counter nakadamit orange ako!. Sabi niya ulit "ok hintay ka lang jan puntahan kita…. "

Ngayon binaba ko ang celpon at binigay ko kay parekoy “salamat parekoy puntahan daw ako dito” , lumakas ang aking pakiramdam at napanatag ang aking loob. May pumasok na lalake ehhh yon ang nakita ko na matipuno at gwapo na may picture na logo sa company namin at tinawag ako sabi niya “ikaw pa pala ang sinundo ko di mo ba alam company mo? hanaphanap ako ikaw lang pala” sabi ko pasensiya na di sinabi sa akin ng agent ko. Napatawa ako na Masaya na at last nasa mabuti na ako.

Parang nabunutan ako ng tinik sa mga oras na yon at lalong lumalakas at napanatag ang aking loob, sa baka sakali kong karanasan at sa ngayon andito na ako sa mundo ng irak at nagamit ko rin ang aking pinag-aralan bilang isang computer science.

The end.




5July2009 ching

Saturday 4 July 2009

BAKA SAKALI

Isang simpleng tao naghahangad ng pangarap at nag bakasakali kong may patutunguhan ang kanyang paglalakbay sa mundo ng pagiging OFW.

Ito ang aking kwento sa pakikipagsapalaran.

Noong year 2006 my uncle called me na may aplayan sa Irak hindi ako nagdalawang isip at nagpasa sa kanya ng mga requirements since isa rin siyang Agent sa agency na inaaplayan ko sa Cebu…

September 22, 2006.

May tumawag sa akin isang agent pero hindi ang uncle ko na meron na daw akong ticket at visa papuntang dubai at ang flight ko is September 23 2006 at 1 pm. Since I am residing in leyte kailangan ako makaalis in that evening para makapunta ng cebu. Rush na rush talaga ang time na yon and my pocket money is only P4000+ pesos. I decided na umalis at swempre may mga luhang iniwan na di ko mapigilan at ang lakas ng loob at tiwala sa aking sarili na baka ito na ang pagkakataon makaahon sa kahirapan.

September 23, 2006.

Dumating ako sa cebu at pinuntahan ko ang aking agent sa address na kanyang binigay, In that morning I’ve text my uncle na nasa mambaling ako kasama ko ang agent at buti naman pumunta ang uncle ko at napanatag ang loob kahit konti. Bago ako umalis papuntang airport binigyan ko ang uncle ng P2500 at pati na ang celpon (3315) ko dahil daw di ko na magamit sa Irak at ang company ang mag provide sa mga expenses.

Nag taxi na kami papuntang airport at kasama ko ang agent ko at beni briefing ako pag may mag tanong sa akin saan ako pupunta dun sa tiyahin ko sa dubai at ipakita ko lang ang visa atsaka ticket. Bilang pasasalamat nagbigay ako ng P1000 sa agent ko at nag bayad pa ako sa taxi P200 instead of P140+ dahil wala daw barya so keep the change nalang, I got P300+ money on my pocket, inisip ko kaya pa kaya ito sa isip ko bahala na.

Habang nasa loob ng eroplano nag isip ako “Totoo na at nakasakay na ako ng eroplano” na napanood ko sa tv at movie. Pinagmasdan ko lang ang mga galaw ng mga pasahero kunwari di ako baguhan.
kalungkotan at kaba ang aking naramdaman na lisanin ko ang lupang tinubuan at ang aking mga mahal sa buhay. Nag iisa kong tahakin ang bakasakali kong patutunguhan, Hindi ko alam anong kompanya ang aking pupuntahan at ano ang kapalaran ang maging trabaho basta ang pinanghahawakan ang isang maliit na papel na binigay ng agent ko na may pangalan at celpon number na magsundo sa akin sa dubai at ang ticket atsaka Visa. Wala talaga akong alam basta ang inisip ko na makapunta lang ng dubai.


To be continue after 24 hrs….

4July2009 Ching